Friday, February 14, 2014

Words Can Hurt!



          

          







"Sticks and Stones can break your Bones, but Words can hurt your Soul."
- Gitte Falkenberg








   
photo credit from: www.google.com./


          Masakit, nakakarindi, nagdudulot ng sugat hindi man pisikal pero emosyonal. Kadalasan ang mga salitang ating binibitawan ay hindi natin napipigilan kaya nakakasakit ng ating kapwa.
Trauma, anxiety, depression, at iba pa.

         Laganap na ang BULLYING kahit saan mang lugar. Sa paaralan kadalasan, at dahil sa modernisadong mundo pati ang social media ay ginagamit sa ganitong kalapastanganan. Ang lungkot isipin na may mga taong gustong makapanakit ng damdamin ng iba kaya hindi iniisip ang mga salitang bibitawan na nagdudulot ng Mental Abuse.

          Ang pananakot at pagbabanta ay mga uri rin ng pang-aabuso sa mentalidad ng tao. Dahil sa sobrang takot na dulot ng pagbabanta, nagsasanhi ito ng matinding pagkabahala sa taong nasasangkot. Hindi man pisikal na sakit ang dulot ng mga salita ay malalim parin ang sugat na dulot at iniiwan nito sa iba.
Sugat na hindi basta-basta naghihilom at nakakalimutan. Sugat na lumalamon sa buo mong katauhan.

          Hindi ba mas maganda kung ang salitang bibitawan ay nagdudulot ng saya? Hindi ba mas masarap sa pakiramdam na ika'y nakapagbibigay ng tuwa't ngiti imbis na sakit at pighati?
        
          Isipin mo kaibigan ang bawat salita na bibitawan! Ilabas ang galit at saloobin sa maayos na paraan. Ang pananakit ng iba ay hindi mo ikayayaman! Walang saysay ang mamahalin mong mouth wash kung ang bibig mo ay puro basura ang laman.

          Mag-isip ng mabuti bago magsalita kaibigan...


IMPOSSIBLE DON'T EXIST!



B O N  V O Y A  G E !



To travel around the world is my biggest dreammmmmm! Yeah! No other thing. Just to travel and travel and travel and travel.

I grew up with a strict guardian and I didn't have a chance to enjoy going in one place to another because they always set limitations on me. It so frustrating and I envied my friends because they can go anywhere they want to go and enjoy life. Great!

While me, here, sitting alone in the dark side of my room. Counting the tiktok of my freaking clock. The atmosphere is killing me. My imagination went wild and did it's own way just to remove all the things that simmer in my head.

Every time I am alone in my room. I always imagine all the things I want to do and all the place I want to go.
This imagination lead me to the world outside of my little gloomy box........




I go to the beautiful places in Europe, because that's the first place I want to go ever since.
Paris is the ultimate dream city for me.
So, I went to Paris alone all by myself without my guardian's knowing.
And I didn't care.
I climb to the Eiffel Tower and look at the whole town of Paris.
Whoohoooooo! It so amazing and my heart beats so fast!


My next destination is London. This place is so marvellous and wonderful. Very historical and I saw different monuments and I don't know the exact words that can describe it. It literally stun me in my position.


 And wait, I saw there the famous Boy Band in the World, the ONE DIRECTION! Oh my gosh, I can't believe it. With my own eyes! Girls back in our country will going to kill me if they knew it! So lucky me!

Move on! Don't feel so envy on me about One Direction. :D
Italy is the place I went next.
I visited the famous COLOSSEUM and many tourist are also there to see it. How come they manage to build such beautiful thing? I think it is hundred or maybe thousand years ago when they built it.



Wow! I am so lucky, I'd experience to have a EUROPEAN TOUR! Imagine that? Not all people have a chance to visit the different amazing places in the world.



Then, I awakened to the banging of my bedroom door. My aunt is calling me and shouting outside the door. I sight. Another beautiful dream I have. Like it used to be.
Hayyyyys. Yes, all that are just a dream. Inside my little gloomy box, IMPOSSIBLE DON'T EXIST...



photos' credited from: www.google.com./

Thursday, February 13, 2014

Dalaga Na Si Joray! (A CTE201 Classroom Celebration of Marjorie Salvador's 18th Birthday)



Here's wishing a Happy 18th Birthday to the most charming, funny, attractive and rocking personality in town! You are so freakin' Oldddddddd now! Love you! <3 :D

-from your cute friends in class.





Minsan lang dumating ang pagdadalaga at pagbibinata ng isang tao. Ang sarap isipin na dumating tayo sa ganitong edad at naranasang mag-emjoy kasama ang mga taong malalapit sayo. Panahon na ginugol mo sa paglalaro, pag-aaral, paggawa ng kalokohan, pagkakaroon ng mga "crush", at panliligaw ng mga binata sa dalaga na kanilang napagtripan!

Ito ay ginawa ko para sa aking matalik na kaibigan na si Marjorie L. Salvador tungkol sa nagdaan na selebrasyon ng kanyang kaarawan noong February 7, 2014. Siya ay mas kilala sa tawag na "Joray", "Hello Kitty", at "Flappy" ngunit hindi ito hinango sa larong "Fluppy Birds".

Kahit kulang sa kakayahang maghanda ng bonggang-bongga, ay nagawa naming magdiwang ng kanyang kaarawan sa pagtutulungan ng buong klase ng CTE201 Filipino Majors na lingid sa kanyang kaalaman. Nakatutuwang isipin na ang buong klase ay nagbigay ng munting kooperasyon upang ang selebrasyong ito ay maging makulay at masaya hindi lamang sa amin bagkus lalo na sa birthday celebrant na si Marjorie.



Masarap sa pakiramdam na ipadama sa iyong mga kaibigan na sila ay mahalaga at dapat na maging masaya sa araw ng kanyang pagiging ganap na dalaga. 




 Munting bagay na sa kanyang kaarawan ay ibinigay. Sa simpleng paraan ay naipakita ang kanyang halaga sa aming mga kaibigan.

Pati ang aming guro ay nakiisa sa naganap na selebrasyon ng kaarawan ni Marjorie at lahat ay natuwa dahil ang buong klase ay maganang magana. 


Pinangunahan ng isa naming kamag-aral at siya ay nagsilbing Emcee ng pagdiriwang na ito.



Artipisyal na bulaklak ang ginamit para sa 18 roses na hiniram mula sa bahaging likurang ng aming silid aralan.

Katatawanan sapagkat ang mga artipisyal na bulaklak na ito ay puno pa ng dumi't alikabok.




Upang makumpleto ang kalokohan este ang selebrasyong ito, nandyan si Angelo Barquilla upang tumugtog sa kanyang munting gitara at sabayan pa ng awit ng barkada.



Walang pinipiling kasarian sapagkat lahat ay nakiisa. Kahit ang mga dyosa (baklush) ng aming silid aralan ay nagbigay ng rosas para sa dalaga sa kanilang harapan.







Tawa dito, hagalpak diyan. Buong klase ay maligaya sa munting kasiyahan.

Kooperasyon ng lahat para sa isang ala-ala ng taong minsang lang maging ganap na dalaga.


Pasasalamat sa Poong Maykapal at panibagong buhay ay ibinigay sa aming kaiibigan. 

Pasasalamat sa buong CTE201 Filipino Majors sa pakikiisa at pakikisaya.

Pasasalamat kay Marjorie sapagkat siya ay nagbibigay ng ligaya sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pangbu-bully at pang-aasar namin sa kanya. Maraming salamat at nandyan ka.

Simpleng pagkakaibigan.

Simpleng mga tao na nagsama-sama.

Simpleng mga bagay na pinagsasaluhan.

Simple ngunit tunay na samahan.

Maraming salamat mga kaibigan!

Banatan Kita!


Alam mo para kang baon! Namimiss kita pag walang pasok! :D <3

Nauuso ngayon ang mga linyang nagbibigay ngiti at kilig sa ilan. Minsan naman nakayayamot at nakasusuka sa sobrang kakornihan. Tinatawag itong mga "Pick-Up Lines". Sa sobrang malikhain ng isip ng tao, nakalilikha sila ng mga pahayag na itinuturing ng ilan na walang saysay ngunit itanggi man natin, minsan ay nagbibigay ng ngiti sa ating mga labi.


Ano nga ba ang Pick-Up Lines? Ayon sa aking pananaliksik, ito ay mga pahayag o linyang pambungad sa usapan dahil gusto ng nagsasalita na mapansin ng tao na kanyang kinakausap. Maaaring dahil ang taong ito ay kanyang napupusuan o kinaiinisan. Sa kasalukuyang panahon, madalas itong gamitin bilang "palipad hangin" at ginagamit ng mga taong torpe o natatakot magsabi ng katotohanan kaya dinadaan na lamang sa pick-up lines, sa ganitong paraan ay wala silang masasaktan at maipapahayag nila ang nais nilang sabihin. Ito rin ay isang paraan ng pamumuna sa magaan o hindi tuwiran na paraan.

Ilan sa mga Pick-Up Lines na mababasa sa Internet ay ang mga sumusunod:

  • High voltage kaba? Kasi there's a spark between us.
  • Am I a bad shooter? 'cause I keep on missing you.
  • Can I have your jersey? Because I want your name and your number.
  • Alarm clock kaba? Kasi ginising mo ang natutulog kong puso.
May mga Pick-Up Lines naman na sadyang ginawa upang mang-asar at mang-bwisit tulad ng mga sumusunod:

  • Mahilig ka bang magtanim ng halaman? Amoy lupa ka kasi eh.
  • Energy drink kaba? Muka ka kasing Cobra!
  • BOY: Hello
         GIRL: Hello
         BOY: Kumain kana?
         GIRL: Kumain kana?
         BOY: Ginagaya mo ba ako?
         GIRL: Ginagaya mo ba ako?
         BOY: I LOVE YOU!
         GIRL: Oo, Kumain na ako!

At pati na rin ang mga sikat na personalidad ay nakiuso na din! Katulad ng idol kong si Sen. Miriam Defensor Santiago ay pumi-Pick Up Lines sa kanyang mga talumpati at upang banatan ang ilang kawani ng gobyerno. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Anong tawag 'pag nagtapon ka ng basura sa dagat? Sagot: Pollution

Ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Sagot: Sollution

Top 3 na pinakasinungaling na trabaho sa Pilipinas:

TOP#3: Beautician: Sasabihin nilang maganda ang customer kahit hindi naman talaga.
TOP#2: Kondiktor ng jeep: Sasabihin niya na dalawa pa ang kasya kahit puno na.

And last and the most prolific of all these liars, TOP#1: PULITIKO: That's the end of the story.


Nakakikilig man o hindi. Korni man sa inyong pandinig, tiyak ay may iniwan parin na kiliti at ngiti sa mga labi. Subukan din natin minsang sumabay sa uso dahil wala namang masama hanggat walang inaagrabyado. Malay mo, PICK-UP LINES pala ang sagot sa mga katanungan mo.


Ikaw, gusto mo bang ma-BANATAN?


credit some pick-up lines from: Ayee Macaraig www. rappler.com./

"Bata Rin Ako"






"Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal 
Katulad ng sinadya ng Maykapal 
Mahirap man o may kaya 
Maputi, kayumanggi 
At kahit ano mang uri ka pa 
Sa 'yo ang mundo pag bata ka..."
-Linya mula sa awit ng Apo Hiking Society na "Bawat Bata".



photo credit by: Marc Anderson 

Kamusmusan, kabataan, Isang yugto ng buhay na minsan lang maranasan.
Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata, ngunit masasabi ba nating ito'y naging makulay at masaya tulad ng ating inaakala?
Mga alaalang naglalaro sa ating isipan na nagdudulot ng ngiti ngunit ang iba ay pait at pighati.

Isang batang nakatira sa masayang tahanan, may masayang pamilya, mga kapatid, inang nag-aalaga, at amang nagsisilbing haligi ng tahanan.
Maliwanag, makulay, masaganang pamumuhay, iyan ang pangarap ng isang batang walang tahanan.
Kabaliktaran ng kanyang kalagayan na nahahamugan sa tabi ng daan.
Maingay magulo, madilim, mabaho't madumi ang kanyang nakasanayan.
Panganib ay 'di alintana habang siya ay naghahanap ng masisilungan na sa kanya ay pansamantalang magkakalinga.

Namulat sa isang mundong malupit kaya ang batang isipan ay napuno ng galit.
Pagnanakaw at paggawa ng krimen ang nakitang paraan upang ang kumukulong sikmura ay maibsan.
Nilason ng pangangailangan ang kanyang murang isipan.
Hindi naranasan ang kalinga ng magulang at ang tunay na kasiyahan na dulot ng kamusmusan.

Hindi lahat ng bagay ay may magandang nakaraan. Hindi lahat ay magagandang ala-ala na nais balikan.

Ngunit huli na nga ba ang lahat para sa isang bata na napagkaitan ng isang munting tahanan?

Imulat ang isipan at tumungin sa reyalidad ng buhay. Isipin ang maliit na tulong na sa kanila'y maibibigay.
Masayang tahanan at umaapaw na pagmamahal.
Huwag ipagkait ang munti nilang hiling na sana balang araw ligaya ay makamit.
Hayaang maglaro ang batang paslit.
Sapagkat ito ay ala-ala na hindi mawawaglit.

Bata rin ako at naging bata rin kayo.
Lahat ng ito'y ninais mo...