"Sticks and Stones can break your Bones, but Words can hurt your Soul."
- Gitte Falkenberg
photo credit from: www.google.com./
Masakit, nakakarindi, nagdudulot ng sugat hindi man pisikal pero emosyonal. Kadalasan ang mga salitang ating binibitawan ay hindi natin napipigilan kaya nakakasakit ng ating kapwa.
Trauma, anxiety, depression, at iba pa.
Laganap na ang BULLYING kahit saan mang lugar. Sa paaralan kadalasan, at dahil sa modernisadong mundo pati ang social media ay ginagamit sa ganitong kalapastanganan. Ang lungkot isipin na may mga taong gustong makapanakit ng damdamin ng iba kaya hindi iniisip ang mga salitang bibitawan na nagdudulot ng Mental Abuse.
Ang pananakot at pagbabanta ay mga uri rin ng pang-aabuso sa mentalidad ng tao. Dahil sa sobrang takot na dulot ng pagbabanta, nagsasanhi ito ng matinding pagkabahala sa taong nasasangkot. Hindi man pisikal na sakit ang dulot ng mga salita ay malalim parin ang sugat na dulot at iniiwan nito sa iba.
Sugat na hindi basta-basta naghihilom at nakakalimutan. Sugat na lumalamon sa buo mong katauhan.
Hindi ba mas maganda kung ang salitang bibitawan ay nagdudulot ng saya? Hindi ba mas masarap sa pakiramdam na ika'y nakapagbibigay ng tuwa't ngiti imbis na sakit at pighati?
Isipin mo kaibigan ang bawat salita na bibitawan! Ilabas ang galit at saloobin sa maayos na paraan. Ang pananakit ng iba ay hindi mo ikayayaman! Walang saysay ang mamahalin mong mouth wash kung ang bibig mo ay puro basura ang laman.
Mag-isip ng mabuti bago magsalita kaibigan...
No comments:
Post a Comment