Alam mo para kang baon! Namimiss kita pag walang pasok! :D <3
Nauuso ngayon ang mga linyang nagbibigay ngiti at kilig sa ilan. Minsan naman nakayayamot at nakasusuka sa sobrang kakornihan. Tinatawag itong mga "Pick-Up Lines". Sa sobrang malikhain ng isip ng tao, nakalilikha sila ng mga pahayag na itinuturing ng ilan na walang saysay ngunit itanggi man natin, minsan ay nagbibigay ng ngiti sa ating mga labi.
Ano nga ba ang Pick-Up Lines? Ayon sa aking pananaliksik, ito ay mga pahayag o linyang pambungad sa usapan dahil gusto ng nagsasalita na mapansin ng tao na kanyang kinakausap. Maaaring dahil ang taong ito ay kanyang napupusuan o kinaiinisan. Sa kasalukuyang panahon, madalas itong gamitin bilang "palipad hangin" at ginagamit ng mga taong torpe o natatakot magsabi ng katotohanan kaya dinadaan na lamang sa pick-up lines, sa ganitong paraan ay wala silang masasaktan at maipapahayag nila ang nais nilang sabihin. Ito rin ay isang paraan ng pamumuna sa magaan o hindi tuwiran na paraan.
Ilan sa mga Pick-Up Lines na mababasa sa Internet ay ang mga sumusunod:
- High voltage kaba? Kasi there's a spark between us.
- Am I a bad shooter? 'cause I keep on missing you.
- Can I have your jersey? Because I want your name and your number.
- Alarm clock kaba? Kasi ginising mo ang natutulog kong puso.
May mga Pick-Up Lines naman na sadyang ginawa upang mang-asar at mang-bwisit tulad ng mga sumusunod:
- Mahilig ka bang magtanim ng halaman? Amoy lupa ka kasi eh.
- Energy drink kaba? Muka ka kasing Cobra!
- BOY: Hello
GIRL: Hello
BOY: Kumain kana?
GIRL: Kumain kana?
BOY: Ginagaya mo ba ako?
GIRL: Ginagaya mo ba ako?
BOY: I LOVE YOU!
GIRL: Oo, Kumain na ako!
At pati na rin ang mga sikat na personalidad ay nakiuso na din! Katulad ng idol kong si Sen. Miriam Defensor Santiago ay pumi-Pick Up Lines sa kanyang mga talumpati at upang banatan ang ilang kawani ng gobyerno. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Anong tawag 'pag nagtapon ka ng basura sa dagat? Sagot: Pollution
Ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Sagot: Sollution
Top 3 na pinakasinungaling na trabaho sa Pilipinas:
TOP#3: Beautician: Sasabihin nilang maganda ang customer kahit hindi naman talaga.
TOP#2: Kondiktor ng jeep: Sasabihin niya na dalawa pa ang kasya kahit puno na.
And last and the most prolific of all these liars, TOP#1: PULITIKO: That's the end of the story.
Nakakikilig man o hindi. Korni man sa inyong pandinig, tiyak ay may iniwan parin na kiliti at ngiti sa mga labi. Subukan din natin minsang sumabay sa uso dahil wala namang masama hanggat walang inaagrabyado. Malay mo, PICK-UP LINES pala ang sagot sa mga katanungan mo.
Ikaw, gusto mo bang ma-BANATAN?
credit some pick-up lines from: Ayee Macaraig www. rappler.com./
No comments:
Post a Comment